MMDA cameras, gagamitin ng LTO sa mga pasaway na motorista

Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagre-record ng paglabag sa trapiko ng mga pasaway na motorista sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay LTO Chief Vigor D. Mendoza, ang recorded videos ay gagamitin ng LTO sa pagpapalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa sinumang pasaway na motorista.

Pinasalamatan ni Mendoza si MMDA chairman Artes sa patuloy na kooperasyon at pakikiisa sa programa na madisiplina ang mga motorista sa Metro Manila.


Facebook Comments