Nag-ikot at nag-inspeksyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa Manila North Cemetery ngayong araw.
Ito’y para makita kung nasusunod ang mga pakataran sa ilalim ng guidelines ng Alert Level 3 bunsod ng COVID-19.
Ayon kay Abalos, nais niyang makita ng personal ang ginagawang hakbang ng pamunuan ng Manila North Cemetery at Manila Police District (MPD) sa pagpapatupad ng security at health protocols.
Sinabi ng opisyal na kuntento siya sa ginagawang pagpapatupad ng patakaran ng Manila North Cemetery at MPD kung saan panawagan niya sa mga magtutungo sa mga sementeryo na mag-doble ingat lalo na’t hindi pa tuluyang nawawala ang COVID-19.
Ikinatuwa rin ni Abalos ang ginagawang pagkontrol ng mga otoridad sa pagpasok ng tao sa Manila North Cemetery kung saan mahigpit sila sa pagdating sa mga menor de edad at senior citizens na may edad 65-anyos pataas.
Muling ipinaalala ng opisyal sa mga namumuno sa Manila North Cemeyery, tauhan ng Manila Local Government Unit (LGU) at MPD na paghandaan pa rin ang posibleng pagdagsa ng tao sa mga susunod na araw bago ito pansamantalang isara mula October 29 hanggang November 3.