MMDA Chairman Danilo Lim, nanguna sa kauna-unahang pagdalo niya sa flag raising ceremony ng ahensya

172

Manila, Philippines – Pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim ang kauna-unahang pagdalo niya sa flag raising ceremony ng ahensya.

Sa kanyang statement,inihayag ni Lim ang mahigpit na kampanya ng kanyang liderato sa korupsyon sa ahensya.


Hiningi ni Lim ang suporta ng bawat kawani ng MMDA sa paglilinis sa kanilang hanay.

Mahigpit aniya ang tagubilin ng Pangulong Duterte na hindi lamang ang problema sa trapiko sa Metro Manila ang dapat niyang pagtuunan ng pansin kundi maging ang problema sa katiwalian sa ahensya.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments