Nag-iikot na rin ngayon sa mga bus terminal at pangunahing sementeryo si MMDA Chairman Danny Lim,isang araw bago ang Undas.
Ang inspection ay isinasagawa ni Lim para tingnan ang deployment ng mga MMDA personnel sa bus terminals at sementeryo.
Ito ay para tiyakin kung maayos nga bang naipatutupad ang panuntunan sa kaligtasan at kapakanan ng mga pasahero pabalik ng kani-kanilang probinsiya.
Unang pinuntahan ng MMDA chairman ang Araneta Bus Terminal, isusunod ang JAC Liner sa EDSA malapit sa Kamias.
At mula dito ay dediretso na ang grupo ni Lim sa South Cemetery, Florida Bus Terminal-Farinas at North Cemetery sa Maynila.
Aabot sa 2,327 na traffic enforcers ang ipakakalat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ngayong paggunita ng Undas.
Nais makatiyak ang MMDA na magiging maayos ang latag ng mga tauhan nito sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng tao bukas.