Manila, Philippines – Dahil 32-araw na lamang at pasko na, puspusan na ang ginagawang paglilinis ngayon ng MMDA sa Christmas lane.
Sa katunayan ang operasyon nila ngayong araw ay sesentro sa paglilinis ng Christmas lane kung saan babatakin ang mga illegaly parked na mga sasakyan.
Tatanggalin din ang iba pang obstruction sa kalsada tulad na lamang ng mga kainan, vulcanizing shop, maging ang brgy. hall na nasa bangketa na ay kanila ding pupuntiryahin.
Layon ng Christmas lane na ma-decongest o lumuwag kahit papano ang EDSA.
Kabilang sa Christmas lane ay kapag galing ng EDSA kanan ng West Avenue, right at Quezon Avenue, U-turn near Magbanua, right at Timog, right at Tomas Morato, right at E. Rodriguez, left at Gilmore, straight to Granada, right to Pinaglabanan, right at P. Guevarra, left at L. Mencias, right at Shaw Boulevard, left at Acacia Lane, right at F. Ortigas, left at P. Cruz, left at F. Blumentritt, left at Coronado, take Mandaluyong-Makati Bridge to destination.