MMDA, dumipensa sa ningas kogon nilang aksyon sa mga pinaiiral na batas trapiko

Manila, Philippines – Pumalag ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa pahayag na “ningas kogon” lamang sila sa pagpapatupad ng batas trapiko lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Paliwanag ni Bong Nebrija supervising officer ng MMDA noong 2016 pa nila ipinatutupad ang bus lane policy at ang mga nahuhuling lumalabag ay pinagmumulta sa pamamagitan ng “no contact apprehension policy” o pinapadalhan nila ng notice o sulat sa address ang violator at kapag hindi sila nagmulta ay rerehistro ito sa oras na magrenew ang driver ng kanyang lisensya.

Ang mahuhuling bus na lalabas sa yellow lane ay pagbabayarin ng P200 at ang mga pribadong sasakyan na mahuhuling gagamit ng bus lane ay pagmumultahin naman ng P500.


Sa ilalim ng MMDA Memorandum Circular No. 08 Series of 2012, mahigpit na ipinagbabawal sa mga pribadong motorista ang paggamit at pagdaan sa Public Utility Vehicle (PUV) o yellow lanes maliban na lamang kung sila ay liliko .

Pero paalala ng MMDA dapat ay 100 meters bago sila lumiko ay doon pa lamang sila ppwesto sa bus lane dahil kung hindi panigurado sila ay huhulihin ng MMDA.

Facebook Comments