Dumulog na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na hindi raw mabibigyan ng ayuda ang mga hindi pa bakunado.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nais niyang mapanagot ang nasa likod ng nasabing panlilinlang sa publiko.
Partikular aniyang nagdulot ng alarma ang fake news sa mga residente ng Manila, Las Pinas, at Masinag sa Antipolo.
Nilinaw rin ni Abalos na makakatanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo kahit na hindi sila bakunado.
Aniya, ang P1,000 hanggang P4,000 na ayuda ay ibibigay sa will low-income residents, bakunado man o hindi.
Umapela rin ang opisyal sa publiko na hintayin na lamang ang kanilang schedule ng pagbabakuna at huwag basta-basta susugod sa vaccination sites.