Nagdagdag ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga CCTV upang bantayan ang mga pasaway sa mga kalsada.
Sa Busina Forum sa QC,sinabi ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago na may naidagdag silang 200 CCTV mula sa 237 CCTV dati upang mapalakas ang monitoring sa mga lansangan at mahuli ang mga pasaway sa kalye.
Sa ganitong paraan anya, matutuldukan na ang korapsiyon ng mga enforcers dahil sa no contact apprehension sa mga traffic violators.
May contingency measures din anya na ginagawa ang MMDA para makaiwas ang mga enforcers sa novel coronavirus (nCoV) sa pamamagitan ng pagpapasuot ng proper gear tulad ng mask.
Handa anya silang rumesponde sa nCoV cases at ang mga person of interest (POI) na ayaw magpa quarantine sa pagamutan ay ipakukuha sa Philippine National Police (PNP) para ma-monitor at magamot.
Magkakaroon din aniya ng command post ang MMDA sakaling tumindi ang sitwasyon sa kaso ng nCoV.
Hinikayat naman ni Carlos na isa ring scientist na huwag nang mag-suot ng mask kung wala namang sipon at ubo.
Aniya tanging ang mga may ubo at sipon lamang ang dapat na mag-suot ng mask at kung lilipas ng ilang araw ang ubo at sipon ay kailangan na itong magpatingin sa doctor.