MMDA General Manager Garcia, hinikayat ang publiko na huwag muna magpunta sa mga lugar na libangan o aliwan

COURTESY: RTVM

Huwag muna magpunta sa mga lugar kung saan pwede maglibang o aliwan.

Ito ang pakiusap sa publiko ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia at tagapagsalita ng Metro Manila Council (MMC).

Aniya, dapat alalahanin ng publiko na nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila na ibig sabihin ay may banta pa rin ng COVID-19.


Hindi ibig sabahin na iiksian na ang curfew hour at bababaan at tataasan ang edad na papayagang lumabas ng bahay ay pwede nang magpunta kung saan-saan ang mga tao.

Layunin aniya nito na mas marami ang makapagtrabaho at magbukas na negosyo upang palakasin muli ang ekonomiya ng Metro Manila.

Matatandaan, kahapon ay sinabi ni Garcia na nagkasundo ang 17 mga alkalde ng Metro Manila na gawing alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng umaga ang curfew hour at mula 18-ayos hanggang 65-anyos na ang kabilang sa Authorized Person Outside the Residence o APOR.

Facebook Comments