Kinumperma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago na naka-self quarantine si MMDA General Manager Jojo Garcia simula kahapon.
Ayon kay MMDA Assistant Secretary Pialago, napagalaman nila na isa sa mga dumalo sa mga pagpupulong sa MMDA noong nakaraang linggo ay nag positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kaya naman anya na kahit symptomatic si Garcia, boluntaryo na itong ang self-quarantine bilang protocol na sinusunod ng ahensya upang matiyak na hindi na kumalat ang virus.
Hindi pa naman anya mag papatest si Garcia kontra COVID – 19, dahil uunahin muna ang mga taong posibleng apektado ng virus na may mga symptoms tulad ng sipon, ubo, lagnat o nahihirapan huminga.
Tiniyak naman niya na mahigpit na ipinatutupad sa MMDA ang mga precautionary measure laban sa COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face mask, proper handwashing, at good hygiene.
Sinabi rin ni Pialago na kasama rin siya sa mga sasailalim ng 14-day self-quarantine.