Friday, January 16, 2026

MMDA General Manager Torre, kinumpirmang humingi sa kanya ng tulong para sa seguridad ang kampo ni dating DPWH Usec. Bernardo

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na dumulog sa kanya ang kampo ni dating Public Works Usec. Roberto Bernardo para humingi ng protective custody.

Kaugnay ito ng pagtetestigo ni Bernardo sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Torre, October 9 pa ng nakalipas na taon dumulog sa kanya ang isang pari kung saan humarap din sa kanya si Bernardo kasama ang abogado nito at tatlong anak.

Gayunman, hindi na aniya siya PNP chief noong mga panahon na iyon at floating siya kaya pinayuhan niya ang mga ito na dumulog na lamang sa Witness Protection Program ng Justice Department.

Una nang inihayag ni Senador Panfilo Lacson na inalok daw ng protective custody ni Torre si dating Usec. Bernardo.

Facebook Comments