MMDA, ginawaran ng Hall of Fame para sa 2020 FOI Award

Tatlong taon nang sunod-sunod na nakakatanggap ng Freedom of Information (FOI) Champion Award ang ahensya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kaya naman ngayong taon, iginawad sa kanila ang Hall of Fame para sa naturang kategorya ng pagkilala.

Ikinatuwa naman ito ni MMDA Chairman Danilo Lim at nagpaabot ng pasasalamat sa patuloy sa pagkilala sa mga magagandang serbisyo ng MMDA.


Aniya, ito ay mas lalong magbibigay sa kanila inspirasyon upang pagbutihin pa ang kanilang mga ibinibigay na serbisyo para publiko.

Ang FOI Awards ay taunang ginagawa ng PCOO na layong bigyan ng pagkilala ang mga ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), State Universities and Colleges (SUCs), at Local Water Districts (LWDs), na may mga programa kaugnay sa pagpapalago at pagpaunlad ng FOI program.

Facebook Comments