
Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ngayong araw, January 5, na si MMDA General Manager Nicolas Torre III ang magiging spokesperson ng ahensya.
Ayon kay Artes, si General Torre na ang haharap sa mga interview o kung may katanungan man ang media.
Kasabay nito, inanunsyo rin ang magiging gampanin ni GM Torre sa ahensya kung saan pamumunuan niya ang nasa 70-80% ng MMDA.
Sinabi naman ni General Torre na bagamat bago siya sa ahensya ay nangangailangan din siya ng gabay mula kay Chairman Artes.
Facebook Comments










