Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Oplan Balik Eskuwela 2022 para tiyaking ligtas ang pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office-Enforcement Head Atty. Victor Nunez, poprotektahan nila ang mga batang papasok sa paaralan bilang bahagi ng preparasyon sa academic year 2022-2023.
Makikipagpulong aniya sila sa School Administrators, Parent-Teacher Associations at local traffic bureaus sa National Capital Region (NCR) upang talakayin ang road safety checks sa school zones.
Ipinunto ni Nunez na hindi lamang para sa iisang ahensya nakaatang ang responsibilidad tungo sa kaligtasan sa daan kaya makikipag-ugnayan sila sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito’y upang masigurong naipapatupad ang batas-trapiko at maprotektahan ang vulnerable road users.
Kaugnay nito, muli nang pinipinturahan ang pedestrian lanes na malalapit sa paaralan sa Metro Manila samantalang nagtayo ng Children’s Road Safety Park sa Adriatico, Manila para ipaunawa sa mga bata ang road safety at disiplina.