Iginiit ngayon ng metropolitan manila development authority o mmda na malaya ang sinuman na kuwestyunin sa pamamagitan ng temporary restraining order ang anumang hakbang ng gobyerno.
Ito’y matapos maghain ng petisyon ang Ako Bicol Partylist sa korte suprema para pigilan ang implementasyon ng MMDA na ipatupad ang provincial bus ban sa EDSA.
Dahil dito, hinamon ng MMDA ang mga kontra sa nasabing kautusan na mag-isip ng solusyon para mabawasan ang lumalalang traffic congestion sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Traffic Head Bong Nebrija, Hindi naman sila ang nagdesisyon dito kung saan ipinapatupad lamang nila ang napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayor na tumatayong Metro Manila Council.
Sinabi pa ni Nebrija na mahigit isang taon nabf naka-plano ang provincial bus ban at ilang beses na rin daw silang nakipag-usap sa bus operator.