MMDA hindi muna manghuhuli ng mga pasaway na UV Express

Dahil nitong Biyernes lamang natanggap ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagbabawal sa mga UV Express na magbaba kung saan-saan maliban sa kanilang mga terminal.

Hindi muna ito pinatutupad ng ahensya.

Ayon kay MMDA Chief Traffic Inspector Bong Nebrija, epektibo na dapat ang kautusan ng LTFRB noon pang May 16 pero natanggap lamang nila ang kopya noong Biyernes kung kaya at sa ngayon ay ipinapaalam muna nila ito sa mga drivers, operators lalo na sa mga pasahero.


Kasunod nito tiniyak ni Nebrija na kapag naimpormahan na ang lahat ay kanila na itong ipatutupad kung saan ang mga UV Express maging ang buses ay maaari lamang magbababa sa kanilang mga terminal at hindi kung saan-saan.

Layon aniya nitong maibsan o mabawasan kahit papaano ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa EDSA

Facebook Comments