MMDA, hindi muna manghuhuli sa double parking sa harap ng mga sementeryo

Wala muna gagawing panghuhuli ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lalabag sa double parking sa harap ng sementeryo.

Ayon Kay MMDA Chairman Danny Lim, ito ay basta at masisiguro na hindi ito nakaabala sa daloy ng trapiko.

Pero, ipagbabawal ang pagtitinda sa labas ng sementeryo kung makikita itong hindi organisado o nakakaabala din sa daloy ng trapiko sa lugar.


Tiniyak din ng MMDA ang kaligtasan ng mga dadalaw sa puntod sa kanilang mahal sa buhay.

Upang protektahan ang mga ito sa mainit na panahon, nakaantabay ang mga ambulance, first aid at medics sakaling may maitalang problema sa kalusugan.

Habang mayroon ding itatalagang ambulance na iikot sa mga common terminal sa Pasay at maging sa Cubao.

Personal na binisita ni chairman Lim ang mga pangunahing terminal sa Metro Manila para matiyak na maayos na naipatutupad ang mga panuntunan sa kapakanan ng mga biyahero ngayong panahon ng Undas.

Facebook Comments