Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Metro Manila Council (MMC) na hindi na sila maghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court.
Kaugnay ito ng desisyon ng Korte Suprema sa Single Ticketing System na nagbabawal sa mga local government unit (LGU) sa NCR na mag-issue ng violation ticket.
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, ang kanilang desisyon ay base sa payo sa kanila ng Office of the Solicitor.
Sa halip, napagkasunduan ng MMDA at ng Metro Manila mayors na magpakalat na lamang ng traffic enforcers ang bawat lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Facebook Comments