MMDA, hinihintay pa ang tugon ng Metro Manila mayors kaugnay ng paglabas ng mga bata

Nagpaikot na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ng resolusyon sa Metro Manila mayors.

Ito ay kaugnay sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas na ang mga limang taong gulang pataas maliban lamang sa mga mall.

Ayon kay Abalos, laman ng resolusyon ang ilang mga hakbangin at paglilinaw hinggil sa pagpapalabas sa mga bata.


Pinatutukoy rin aniya niya sa mga alkalde kung ang sinasabing park ay tulad ng sa Luneta o yung nasa mga malalaking malls sa Metro Manila.

Facebook Comments