MMDA, hinikayat ang publiko na magpabakuna

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na magpabuna laban sa COVID-19.

Ito ay matapos lumabas sa isang survey na nasa 70% ng residente sa Metro Manila ay may alinlangan sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, gumastos ang pamahalaan at mga Local Government Unit para bumili ng bakuna kaya mahalagang makipagtulungan ang publiko.


Dapat hindi iniisip ng mga tao ang kanilang sarili, bagkus ang kapakanan ng kanilang mga pamilya.

Dagdag pa ni Abalos ang mga bakuna ay dumaan sa pagbusisi ng medical experts at ilang lider ng ibang bansa na ang nagbakuna.

Facebook Comments