MMDA, hiniling sa mga LGU na huwag nang bigyan ng business permit ang provincial bus terminal sa Metro Manila

Hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa mga lokal na pamahalaan na huwag ng bigyan ng business permit ang mga provincial bus terminal sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, layon nitong hindi na makapag-operate sa EDSA ang mga provincial bus terminal at mabawasan ang matinding trapiko.

Kasabay nito, nilinaw ni Pialago na magsasagawa muna sila ng dry run bago tuluyang alisin ang mga provincial bus terminal sa EDSA pagtapos ng Holy Week.


Facebook Comments