Humihingi na ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa national government para sa pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng granular lockdown.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kailangang tumulong ng national government dahil limitado lamang ang kakayahan ng Local Government Units (LGUs).
Bagama’t kasi napag-usapan na 50% ng ayuda ay ibibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang ngayon ay wala pa ring natatanggap ang mga LGUs.
Sa ngayon, tingin ng Metro Manila Council (MMC) na epektibo ang granular lockdown imbes na ihinto ang economic activity sa buong Metro Manila.
Facebook Comments