Naging maayos ang unang limang araw ng pagbabalik ng provincial buses sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Kasunod nito, sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga pa rin papayagan ang mga provincial bus sa Kamaynilaan.
Samantala, iminungkahi naman ni Artes na baguhin ang number coding scheme sa metro manila para mabawasan ang volume ng mga sasakyan.
Kabilang na aniya rito ang tinatawag na odd-even scheme.
Isa pa sa inirerekomenda ng MMDA ang modified number coding scheme kung saan:
Ang mga may plate number na nagtatapos sa 1,2,3 at 4 ay bawal munang dumaan sa kalsada sa Metro Manila tuwing Lunes, 5,6,7,8 sa Martes, 9,0,1,2 pag Miyerkules, 3,4,5,6 sa Huwebes at 7,8,9,0 kapag Biyernes.
Ayon kay Artes, sa ganitong paraan aay nasa 40 porsyento ng mga sasakyan ang mababawas sa kalsada sa Metro Manila.