MMDA, inilabas na ang listahan ng mga isasarang kalsada at traffic rerouting sa June 30

Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng mga isasarang kalsada at traffic rerouting para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang pagsasara ng kalsada at mga plano sa pagbabago ng ruta ng trapiko ay kinonsulta sa security cluster at sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Aniya, magtatalaga sila ng 2,000 tauhan para tumulong sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa mga lugar na maaapektuhan ng pagsasara ng kalsada, gayundin ang mga tauhan na tututukan ang road clearing at emergency responses.


Mayroon din aniyang naka-stand by na mga tow truck at mga ambulansya sa ilang piling lokasyon para rumesponde kung kinakailangan.

Humigit kumlang 1,200 panauhin ang inaasahang dadalo sa inagurasyon na isasagawa sa National Museum.

Tiniyak din ni Artes na patuloy ang kanilang koordinasyon sa Presidential Security Group, City Government of Manila, Manila Police District, at National Capital Region Police Office.

Facebook Comments