MMDA, ipapatawag si Kim Chiu para ipaliwanag ang kanyang ‘dance video’; aktres, dumipensa

Iimbitahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aktres na si Kim Chiu para ipaliwanag ang sinasabing pagsayaw niya sa EDSA kung saan iniwan niyang walang driver ang kanyang sasakyan.

Ayon kay MMDA Assistant Secretary, Spokesperson Celine Pialago, beberipikahin nila ang report at aalamin kung nangyari ba talaga ito sa EDSA.

Sa kanyang instagram post, itinanggi ni Kim na ginawa niya ito sa EDSA.


Giit ng aktres, sa parking lot lamang ito ginawa.

Umapela ang aktres sa lahat na iwasan ang pagpapakalat ng fake news sa social media.

Facebook Comments