Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon sila ng pulong bukas para isapinal ang traffic management plan sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa June 30.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, inaasahan kasi na bibigat ang daloy ng trapiko sa paligid ng National Museum of the Philippines dahil sa mga isasarang kalsada sa naturang venue.
Kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang:
kahabaan ng Padre Burgos Avenue mula P. Burgos Avenue mula Taft Avenue patungong Roxas Boulevard
kahabaan ng Finance Road mula Padre Burgos patungong Taft Avenue
kahabaan ng T.M Kalaw mula Taft Avenue patungong Roxas Boulevard
kahabaan ng Maria Orosa Street mula Padre Burgos Avenue patungong T.M Kalaw Avenue
kahabaan ng General Luna Street mula Padre Burgos Avenue patungong Muralla Street
kahabaan ng C. Victoria Street mula Taft Avenue patungong Muralla Street
at kahabaan ng Ayala Boulevard mula General Solano Street patungong Taft Avenue.
Samantala, aabot naman sa 2,000 na mga tauhan ng MMDA ang ipapakalat para sa panunumpa ng susunod na pangulo ng Pilipinas.