MMDA, kinasuhan sa Ombudsman ang 2 barangay chairman sa Metro Manila

Manila, Philippines – Kinasuhan ng Metro Manila Development Authority​ o MMDA sa Ombudsman ang dalawang barangay chairman sa Metro Manila.

Ito ay dahil na rin sa kabiguan ng mga ito na mapanatiling malinis sa iligal parking ang kanilang nasasakupan.

Kabilang sa kinasuhan ng neglect of duty sina Barangay Captain Clarito De Jesus ng Veterans Village QC at Antonio Calma Jr. ng Barangay Don Manuel QC.


Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, layon ng kanilang clearing operation na mapaluwag ang mga secondary road dahil sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Gayunman paulit-ulit na ang kanilang sa trabaho sa iisang lugar at ang salarin ay ang mga konsintidor na barangay official.

Dagdag pa ni Pialago, ilan sa mga ito ay naninigil ng pera para sa iligal parking space.

Kasunod nito, meron pang 5 barangay chairman ang nakatakdang sampahan nila ng kaso sa Ombudsman.

Samantala, umapela ang MMDA sa publiko na kapag may nakitang iligal na nakaparada, kunan ito ng litrato o video at ipadala sa kanilang website nang sa ganun managot ang barangay chairman na nakakasakop sa lugar.
Nation”

Facebook Comments