MMDA, kumikilos na para sa paglilinis ng Ilog Pasig

Nakikipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang stakeholders para linisin ang Ilog Pasig.

Ito ay makaraang manguna ang Ilog Pasig sa Top 10 Worst Plastic-Emitting Rivers sa buong mundo base sa ginawang pag-aaral ng The Ocean Cleanup at nailathala sa Science Advances.

Aminado si MMDA Chairman Benhur Abalos na masakit sa loob na manguna ang Ilog Pasig sa pinakamaruming ilog sa buong mundo.


Gayunman, nakikipag-ugnayan na si Abalos sa ilang mga negosyante para magtulungan sa paglilinis ng ilog.

Kumpyansa naman si Abalos na kakayanin ng MMDA na maalis ang Ilog Pasig sa listahan ng pinakamaruming ilog.

Bukod sa Ilog Pasig, pasok din sa Top 10 na pinakamaruming ilog ang Tullahan River at Meycauayan River sa Bulacan.

Ginawa ng The Science Cleanup ang pag-aaral mula 2017 hanggang 2020 kung saan umabot sa 1,600 na ilog ang kanilang nasuri.

Facebook Comments