Walang malaking problema na nakikita ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa daloy ng trapiko sa Metro Manila kahit pa nasa ilalim na ng Alert Level 1.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA General Manager Frisco San Juan na araw-araw nilang mino-monitor ang bilang ng mga sasakyan at wala naman aniya silang naitala na nadagdagan ang mga lumalabas na sasakyan sa kalakhang Maynila.
Kasunod nito, tiniyak ni San Juan na sakaling mang may makita silang problema sa daloy ng trapiko ay palalawigin na nila ang number coding kung kinakailangan.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang declogging o pagtatanggal ng mga bara sa mga drainage ng MMDA.
Aniya, kung nagkaroon man ng mga pagbaha sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) nitong mga nakalipas na araw kapansin pansin na mabilis din itong humupa dahil palagian silang nagsasagawa ng declogging.