MMDA, mag-iisyu ng notice of violation laban sa isang construction company

Nakatakdang maglabas ng notice of violation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa isang construction company dahil sa harang na nagdudulot ng traffic sa mga sasakyan.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, hindi kinukunsinti ng ahensya ang anumang sagabal o mga hadlang sa pagsasaayos ng lagay ng kalsada.

Kamakailan, pinatawan din ng MMDA ng parusa ang isang pribadong contractor na may mga road works sa kahabaan ng EDSA dahil sa obstruction.


Sa huli, pinaalalahanan niya ang mga contructors na linisin ang mga construction site sa lahat ng oras lalo na yung mabibigat na kagamitan at sasakyan na hindi dapat makahadlang sa daloy ng trapiko ng sasakyan upang hindi na sila pagmultahin at maparusahan.

Facebook Comments