MMDA, mag-iisyu ng sticker na may security features para sa mga sasakyang exempted sa Odd-Even Scheme sa EDSA

mag-iisyu ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng sticker na may security features para sa mga sasakyan na exempted sa ipatutupad na Odd-Even Scheme sa EDSA tulad ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Raffy Tulfo, sinabi ni MMDA Traffic Enforcement Group Head Atty. Victor Nuñez na magbibigay silang muli ng stickers na libre para sa mga TNVS.

Para maiwasan na maabuso, nanghingi na ang MMDA ng datos sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa mga TNVS at nakausap na rin ang mga TNVS operator.

Bukod sa TNVS, kasama rin sa exempted sa Odd-Even Scheme sa EDSA ang mga taxi, pampasaherong bus, mga authorized, at marked government vehicles na may official plates na gamit para sa essential services gayundin ang mga electric at hybrid vehicle.

Dagdag pa ni Nuñez na nagkasundo ang 17 LGUs sa Metro Manila na gawing pare-pareho ang multa sa mga traffic violation kung saan maaaring magbayad sa mga digital payment platform.

Facebook Comments