
Nasa 1,000 personnel ang ide-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa darating na Traslacion 2026.
Kung saan ang mga tauhan ng ahensya sa aasiste at tutulong sa pamamahala sa trapiko, public safety, emergency response, at clearing operations.
Nakahanda na ang mga gagamiting tent ng MMDA para sa kanilang Road Emergency Group at Public Safety Division para sa kanilang first-aid stations para umasiste sa nangangailangan ng tulong medikal.
Bukod dito, imo-monitor din sa MMDA Command Center ang mga lahat ng aktibidad sa mismong araw ng Kapistahan ng Poong Nazareno.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang clearing operations sa mga ruta na daraanan sa Traslacion at ang paglilinis sa mga daraanan ng prusisyon.
Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III na tuloy-tuloy ang koordinasyon ng kanilang ahensya sa lokal na pamahalaan ng Maynila at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga lalahok na deboto.










