Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority para umagapaw sa mga pasaherong posibleng ma-stranded ng isang linggong tigil pasada simula sa Lunes.
Personal na ininspeksyon nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at MMDA General Manager Procopio Lipanan ang mga sasakyang ide-deploy nila sa Metro Manila.
Ayon kay Artes, nasa dalawamput limang sasakyan ang ide-deploy nila sa mga lugar na makikitaan ng mga pasaherong mai-istranded dahil sa tigil pasada.
Bukod dito, aalalay rin ang mga Metro Manila mayors sa mga commuter sa kanilang mga nasasakupan.
Pero nilinaw ni Artes na pagdesisyon sa pagpupulong na hindi muna sila magpapaptupad ng suspensyon sa number coding scheme.
Kaya naman payo nito sa publiko, ipagliban muna ang mga importanteng lakad kung kinakailangan upang maiwasang maapektuhan ng tigil pasada.