MMDA, maghihigpit na sa patakaran sa motorcycle lane sa EDSA

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority na mahigpit nilang ipatutupad na ang motorcycle lane sa EDSA.

Ayon kay MMDA Assistance General Manager Joel Garcia hindi na maaaring gumamit ng ibat-ibang lane ang mga motorsiklo maliban na lamang kung ito kailangan ng lumiko sa EDSA.

Paliwanag ni Garcia maari lamang mag overtake sa kaliwa ang motorsiklo ngunit hindi pwedeng mag overtake sa kanan dahil napakadelikado madisgrasya ang motorcycle riders.


Gayunman sinabi ni Garcia kung kailangan ng lumabas sa motorcycle lane ay pinapayagan naman itong kumanan ngunit kailangan magbigay signal 100 metro ang layo sa kanyang lalabasang linya upang maiwasan na magkaroon ng disgrasya.
Paalala ni Garcia ipatutupad na sa darating na Miyerkules November 22 ang motorcycle lane sa EDSA.

Facebook Comments