Maglalabas ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng personal at public apology kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., hinggil sa pagkaladkad ng pangalan ng senador sa isyu ng pagdaan sa EDSA Busway.
Sa ginanap na press conference sa tanggapan ng MMDA, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na responsibilidad nila na itama ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin kay Senador Revilla personally at public apology upang ipakita sa publiko na seryoso sila sa kanilang mga ginagawa.
Paliwanag pa ni Artes na kung mayroon mang pagkakamali sa ginawa ni Retired Col. Bong Nebrija ay masusing pag-aaralan nila sa kanilang mga Legal Team kung ano ang nararapat na parusa laban sa kanyang mga aksyon laban sa Senador.
Pero nilinaw din ni Artes na titiyakin nilang mabibigyan din ng due to process si Col. Nebrija na kilalang matindi ang kanyang dedikasyon sa trabaho at walang sinasanto kapag lumabag sa batas trapiko.
Giit pa ni Artes na responsibilidad nila na itama ang kanilang pagkakamali at wala silang iba pang intensyon maliban sa itama ang anumang pagkakamali ng kanilang mga tauhan.