Manila, Philippines – Balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isyuhan ng body camera ang 500 enforcer na nagmamando ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, nasa 500 traffic enforcers ang plano nilang isyuhan ng body cameras para makatulong sa kanila laban sa mga motorista at commuters na lalabag sa batas trapiko.
Ang mga ito ay itatalaga sa EDSA, C-5 road at Commonwealth Avenue, Quezon City na mga prone area na maraming traffic violator.
Naniniwala rin si Orbos, na makakatulong din ang body camera para sa kampanya kontra corruption at ebidensiya na rin laban sa mga traffic violator.
Pero nilinaw ni Orbos, na kokonsultahin muna nila ang Metro Manila Council (MMC) bago ipatupad ito.