
Maglulunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang bagong application para madaling ma-monitor ng mga motorista ang kanilang traffic violations sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando “Don” Artes, makikita rin sa app ang detalye ng violation, halaga ng multa, at mga awtorisadong payment center kung saan maaaring magbayad.
Tiniyak din ng MMDA na hindi maiisyuhan ng citation ticket ang mga motoristang magbibigay-daan sa emergency vehicles.
Nilinaw rin ng ahensya na hindi naman agad-agad bibigyan ng ticket ang mga lumabag na nahagip ng CCTV cameras.
Dadaan muna aniya kasi ito sa manual review at validation bago tuluyang padalhan ng notice ang isang motorista.
Kapag lumabas sa manual review na ang sasakyan ay nagbigay daan sa ambulansya, fire truck, o iba pang emergency vehicles, ang motorista ay maa-abswelto sa ano mang traffic violation.









