MMDA, magpapaabot ng humanitarian assistance at disaster response teams sa Aurora at Negros Occidental kasunod ng pananalasa ng mga nagdaan na bagyo

Nagtungo sa Aurora at Negros Occidental ang dalawang teams ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang umasiste at magbigay ng malinis na inuming tubig sa mga nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.

Kung saan magtatagal ang grupo ng sampung araw sa nabanggit na mga probinsya.

Ang binuong grupo ay may sampung miyembro mula sa Public Safety Division at Road Emergency Group at dala ang tig-20 na water purification units.

Kung saan kaya ng isang mobile water purifying machine na malinis ang 180 galon ng tubig kada oras para magamit ng mga apektadong residente.

Katuwang ng MMDA sa inisyatibong ito ang Department of Education sa pamumuno ni Secretary Sonny Angara.

Facebook Comments