Manila, Philippines – Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ng mga sasakyan kasunod ng inaasahang transport strike na ikakasa ng PISTON sa Lunes at Martes.
Ayon kay Celine Pialago tagapagsalita ng MMDA 41 mga sasakyan ang maaaring gamitin ng mga apektadong pasahero.
10 sasakyan na kinabibilangan ng military truck, shuttle bus at van ang maaaring masakyan ng mga mas-stranded na mga pasahero na matatagpuan sa Orense Guadalupe habang 15 military truck ang matatagpuan sa Camp Aguinaldo mayruon ding 6 na DPWH truck at shuttle bus sa Commonwealth at Luneta grandstand.
Mayruon ding ipakakalat na sasakyan mula sa Phil Coast Guard sa Mcu habang mga bus naman ang sa HK Plaza sa Pasay City.
Samantala, mas marami ang idedeploy na bus at military trucks sa Commonwealth area dahil mas maraming myembro ng PISTON ang may byahe sa nabanggit na lugar ang sasali sa tigil pasada.
Ang transport strike ay bilang pagtutol ng PISTON sa jeepney modernization program ipatutupad ng gobyerno.