Muling ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Heat Stroke Break” sa kanilang field personnel, simula Abril 1 hanggang Mayo 31.
Ito ay upang maprotektahan ang mga traffic law enforcers, street sweepers, at iba pang tauhan ng MMDA na nasa lansangan laban sa matinding init.
Ayon kay MMDA Director Neomie Recio, ang mga ‘on-duty traffic enforcers at street sweepers ay papayagang iwan muna ang kanilang posts habang naka-shifts at magkaroon ng 15 hanggang 30 minutong break para magpahinga.
Samantala, bibigyan din ang mga field personnel ng karagdagang 15 minutong pahinga kung papalo sa 40 degrees celsius o higit pa ang heat index.
Facebook Comments