MMDA, magpapatupad ng temporary lane closure at stop-and-go scheme sa MMFF Parade of Stars sa Biyernes

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng temporary lane closure at stop-and-go scheme sa mga kalsadang dadaanan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 51st Edition Grand Parade of Stars sa December 19 sa Makati City.

Magsisimula ang traffic adjustments ng 12:01 pm hanggang 10 pm sa mga pangunahing kalsada sa Macapagal Boulevard, Senator Gil Puyat Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, at AP Reyes Avenue.

Ang mga motorista ay kailangan ding huminto sa mga itinakdang lanes para padaanin ng mabilis ang parada.

Ang parada ay dadaan sa Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street, A. Reyes Avenue, at magtatapos sa Circuit Makati.

Tatakbo ito ng isang oras at 40 minuto, kung saan sasakupin nito ng 8.4 kilometers ang distansya.

Ang mga motorista naman mula Macapagal Blvd/ MOA/ Cavite area:
1. Kakaliwa sa Seaside Blvd , kanan sa Diokno Blvd. derecho ng Atang De la Rama St., kanan ng Vicento Sotto St., kaliwa ng Jalandoni St. kanan ng Pedro Bukaneg street patungo sa destinasyon, o

2. mula Diokno Blvd. kanan sa Gil Puyat Ave. Extension, kaliwa sa Jalandoni St., kanan sa Pedro Bukaneg street patungo ng destinasyon.

Ang mga sasakyan naman patungong EDSA:
1. Mula sa kahabaan ng J. P Rizal Ave derecho ng Rockwell patungong Kalayaan Avenue (converted to One way Traffic).

2. Mula naman J. P. Rizal Ave, derecho ng A. Mabini st., kaliwa sa Zamora st. kanan sa Commando Bridge patungo ng destinasyon.

Facebook Comments