Manila, Philippines – Kasunod ng sandamakmak na reklamo na natanggap ng Metropolitan Manila Development Authority mula sa mga motorista bunsod nang ikinasang dry run convoy kahapon para sa upcoming 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.
Magsasagawa muli ng pagsasanay ang MMDA sa mga susunod na araw.
Ayon kay MMDA Spox Celine Pialago layunin nitong plantsahin ang gusot sa pagpapatupad ng traffic scheme sa kahabaan ng SCTEX, NLEX at maging sa EDSA kapag dumaan na ang ASEAN delegates.
Sa ngayon, hindi pa tukoy kung kailan ikakasang muli ang dry run pero kaagad itong ipababatid ng MMDA sa mga motorista.
Sinabi pa ni Pialago na maraming natutunan ang MMDA sa isinagawang dry run kahapon.
Samantala, maging ang pedestrian ay sakop narin ng stop & go scheme bilang pagtiyak narin sa seguridad ng mga delegado.