Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng dry run convoy ang Metropolitan Manila Development Authority bilang paghahanda parin sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay Michael Salalima, Deputy Chief of Staff ng MMDA, layon nitong plantsahin ang gusot sa pagpapatupad ng traffic scheme sa kahabaan ng SCTEX, NLEX at maging sa EDSA kapag dumaan na ang ASEAN delegates.
Idaraos ang ikalawang dry run sa October 29, araw ng Linggo.
Samantala, maliban sa sistematikong pagpapatupad ng traffic scheme, hindi rin isinasantabi ng gobyerno ang paghahanda sa mga natural calamity.
Sinabi ni MGen. Romulo Cabantac NCR & Sr Vice chairperson ng NDRRMC, tuloy ang paghahanda para sa tinatawag na The Big One.
Giit nito hindi maaaring ma-predict ang pagtama ng lindol kung kaya’t puspusan din ang pag-iinspeksyon nila sa mga gusali na pagdarausan ng summit maging ang 27 hotel kung saan mamamalagi ang mga state leaders ng ASEAN.