MMDA, magtatalaga ng higit 1,000 tauhan para sa “Oplan Metro Alalay Semana Santa”

Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng higit 1,600 traffic personnel sa susunod na linggo.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng “Oplan Metro Alalay Semana Santa”, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga motorista at pasaherong pauwi ng mga probinsya.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Roy Taguinod – ide-deploy ang mga traffic personnel ay mula April 17 hanggang April 22 sa mga pangunahing kalsada, transport terminals at iba pang key areas upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng trapiko.


Ipatutupad din ang “no day-off at no absent” policy sa mga tauhan nito sa Miyerkules at Huwebes Santo, maging sa Linggo ng Pagkabuhay at Lunes (April 22).

Magsasagawa din ng random o on-the-spot breathalyzer tests sa mga bus drivers upang matiyak na hindi sila nakainom.

Patuloy din ang sidewalk clearing operations laban sa mga illegal vendors lalo na sa mga paligid ng mga simbahan.

Ang MMDA ay may close coordination sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) para sa deployment ng dagdag na passenger buses sa ilalim ng “alalay sa MRT” bus augmentation program.

Facebook Comments