MMDA, makikipagpulong na sa mga LGU para sa posibleng pagbiyahe ng mga provincial buses sa EDSA

Makikipagpulong na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal na pamahalaan para sa ordinansang ipapatupad sakaling payagan nang makabiyahe ang 4,000 provincial buses sa EDSA.

Ayon kay MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr., ilan sa mga lungsod na tutulong ay ang Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City.

Desisyon ng mga ito kung magpapatupad ng ordinansa at kung maglalagay ng window period na posibleng ipatupad tuwing alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.


Sa ngayon, pinagdedebatehan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ilang piling sangay ng pamahalaan kung papayagan na ang operasyon ng provincial bus.

Kabilang dito ang ipinatupad na 70% seating capacity na isa sa inihihirit na dahilan para payagan nang makabalik operasyon ang mga provincial bus.

Facebook Comments