
Makikipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal na pamahalaang nakakasakop sa EDSA para sa mga alternatibong ruta sa oras na magsimula ang rehabilitasyon.
Iyan ang kinumpirma ni MMDA Chairman Romando Artes sa pulong balitaan.
Ayon kay Artes na isasagawa ang pagpupulong sa oras na maisapinal na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bahagi na sasailalim sa reblocking sa darating na December 24.
Dagdag pa niya na naka-full deployment ang MMDA enforcers sa pagsisimula ng EDSA rehab.
Pero, nakipag-ugnayan na sila sa mga contractor na magkaroon ng mga marshall at traffic enforcer mula sa mga LGUs na tutulong sa pag-asiste sa daloy ng trapiko.
Facebook Comments









