
Kasalukuyang nagsasagawa ng meeting ang San Miguel Corporation na pinangungunahan ng negosyanteng si Ramon Ang kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang alkalde para sa rehabilitation ng major Metro Manila river system.
Ayon kay San Miguel Corporatoin Project Lead Jimy Lu, ang tanging solusyon na para maibsan ang pagbaha sa Metro Manila ay ang paghuhukay at pagpapalalim sa mga ilog.
Aniya, tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang dredging operation sa mga ilog sa Kamaynilaan at umabot na sa 8.52 million cubic meters ng basura ang kanilang natanggal.
Nasa 163.03 kilometers na ang sukat ng nalinisan at napalamin ng San Miguel Corporation na malaking tulong kaya hindi binaha ang maraming lugar noong kasagsagan ng pagtama ng mga bagyo at habagat.
Sa kabila ng pagpapalalim sa mga ilog, sinabi ni Lu na pangunahing problema pa rin kaya binabaha ang ilang lugar ay dahil sa basura.
Para naman sa negosyanteng si Ramon Ang, dapat bago ang inaasahang panahon ng tag-ulan ay nakapaghanda na ang lahat para hindi maranasan ang pagbaha.









