Manila, Philippines – Kasunod ng inaasahang panibagong transport strike ng ilang grupo ng transportasyon sa Lunes Sept. 25.
Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority ng mga bus sa kalsada na maaapektuhan ng tigil pasada.
Una na kasing ibinabala ng Stop and Go Transport Coalition na magsasagawa sila ng transport strike sa Lunes bilang pagtutol sa naka ambang jeepney phase out.
Ayon kay Celine Pialago ang tagapagsalita ng MMDA, hindi nila hahayaang magdusa ang riding public kung kaya’t magpapakalat sila ng mga bus at iba pa nilang sasakyan na aayuda sa maaapetukhan nating mga kababayan.
Sinabi pa ni Pialago hindi rin sila magli-lift ng number coding sa Lunes.
Paliwanag nito, kapag nagpadala ang gobyerno sa hiling ng mga transport sector nangangahulugan lamang ito na tila hawak nila sa leeg ang pamahalaan