MMDA, may pakiusap sa publiko na huwag maging excited ngayong MECQ

“Huwag maging excited.”

Ito ang pakiusap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa publiko kung saan ipinatutupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Garcia, hindi ibig sabihan na MECQ na ay pwede nang lumabas ng bahay.


Naiintidihan niya aniya ang mga tao at ang lahat ay naiinip dahil sa mahabang panahon ng pananatili sa loob ng bahay.

Paalala niya na kahit naka-MECQ ang Metro Manila, kontrolado pa rin ang galaw ng tao at transportation.

Susundin pa rin aniya kung ano ang guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) pagdating sa transportasyon at movement ng mga tao.

Iginiit niya na ang mga mall ay pinayagang magbukas para lamang sa essential needs, hindi pa pwede ang kumain sa loob ng restaurant o sa mga malalaking food chain.

Facebook Comments