Simula sa Lunes, May 24, ay bawal na sa EDSA at Shaw Boulevard ang mga light trucks.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lahat ng mga trucks na may gross capacity weight na 4,500 kg pababa ay pagbabawalang bumagtas sa EDSA mula Magallanes, Makati City hanggang North Avenue, Quezon City, sa northbound at southbound, mula 5:00 AM hanggang 9:00 PM.
Bawal din ang mga light trucks sa Shaw Boulevard (Mandaluyong City at Pasig City) mula 6:00 AM hanggang 10:00 AM at mula 5:00 PM hanggang 10:00 PM.
Ang uniform light trucks ban ay ipapairal mula Lunes hanggang Sabado maliban sa araw ng Linggo at holidays.
Ang lalabag sa truck ban ay may kaakibat na multang ₱2,000.
Ang truck ban ay nauna nang sinuspinde nang isailalim ang Metro Manila sa pinahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Pero, simula noong May 15, ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila.